Mga World Foundation Grant

Pagtataguyod sa inobasyon, makabuluhang epekto at pagtutulungan.

Ang misyon namin

Sinusuportahan ng World Foundation Grants program ang mga builder, innovator at community leader na nagsusumikap bumuo ng makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga application sa World Chain, isang ecosystem kung saan higit sa 12 milyong World ID user na ang napag-uugnay nito sa higit 160 bansa.

Misyon naming lumikha ng bukas, abot-kamay at patas na mga solusyong isinusulong ang digital na pagkakakilanlan, inklusibidad sa pananalapi sa buong mundo at hikayatin ang mga kolaboratibong imprastraktura. Ito ay para mabigyan ang mga developer, mga innovator, mga lider ng komunidad, mga mananaliksik at mga tagapagtatag ng walang kapantay na plataporma para makabuo ng isang tunay na epektibo at inklusibong sistema ng pagkakakilanlan at pananalapi sa buong mundo.

Paano magsimula

Patuloy naming ibinibigay ang mga grant namin. Mag-apply kahit kailan.

Agad na susuriin ng team namin ang proposal mo.

Bumubuo ka man ng prototype ng isang bagong Mini App o nagpapaganda ng bagong use case para sa patunay ng pagkatao, narito kami para tulungan kang maging makabuluhan ang ideya mo.

Mag-apply dito para sa:

Mga Aktibong Programa

Spark Track — gawing gumaganang Mini App ang isang ideyang may potensyal

Para sa mga builder at mga unang tagapagtatag na bumubuo ng isang gumaganang Mini App mula sa isang malinaw na ideya at handa nang ilunsad ito para sa lahat.

Para kanino 'to?

  • Maliliit na mga team
  • Mga unang tagapagtatag

Ano ang hinahanap namin?

  • Isang malinaw na problemang nilulutas mo
  • Isang gumaganang demo o prototype
  • Mga makatotohanang milestone na maaabot mo sa loob ng isang takdang-oras
Mag-apply para sa Spark Track Grant

Scale Track Grant — i-level up ang isang gumagana nang Mini App sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tunay na mga user at palaguin nang 10× ang mga Scale Grant

Para sa Mga Mini App na ginagamit na ng tunay at beripikadong mga tao at nangangailangan ng kapital para mas mabilis itong mapalago.

Para kanino 'to?

  • Mga produktong may mga aktibong user

Ano'ng hinahanap namin?

  • Matibay na ebidensya tungkol sa paggamit at pananatili ng mga user
  • Isang malinaw na go-to-market strategy (o plano kung paano ibebenta ang produkto)
  • Isang plano para lumago nang 10× o higit pa mula sa kinalalagyan mo ngayon
Mag-apply para sa Spark Track Grant

Pilot: Mga Developer Reward

Isang reward pool na tuloy-tuloy na ipinagkakaloob batay sa paggamit na ginawa para awtomatikong bayaran ang mga builder kapag nakatulong ang Mga Mini App nila sa tunay na mga tao.

Pilot pool

$300K USD sa WLD sa loob ng unang tatlong buwan
(inilunsad noong ika-27 ng Marso, 2025)

Paano ito gumagana

Kada buwan, mamamahagi kami ng WLD sa paraang proporsyonal sa mga kwalipikadong Mini App batay sa mga sukatan ng paggamit ng mga beripikadong tao. Walang hiwalay na pitch deck ang kailangan—mag-build ka lang, ilunsad ito at hayaan ang mga numero ang magsalita para sa'yo.

Sino'ng kwalipikado

Anumang Mini App na inilunsad na sa World App na nakatutugon sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng programa

Bakit ka dapat sumali

Makalikom ng mga reward maliban pa sa Spark o Scale Funding, para mapagkakitaan nang tuloy-tuloy ang paggamit ng mga user ng app mo

Paano sumali

Punan ang application form

Tingnan ang leaderboard

Bakit ka dapat mag-build para sa'min?

May sinusubukan ka mang ideya, may pinalalago nang 10 beses, o naglilingkod na sa milyon-milyon, ang World Foundation ay may programang aakma sa ginagawa mo — at gagantimpalaan ka sa sandaling makinabang na ang mga tao sa ginawa mo.

50M WLD

para sa Mga World Grant

26M+ user

sa higit 160+ bansa sa loob ng unang araw

Subsidiya para sa gas

para sa mga beripikadong user→ mas mababang gastos, mas mataas na konbersyon

Mga Nakaraang Nakatanggap ng Grant

Narito ang mga nakaraang nabigyan ng grant at ang makabago nilang mga proyekto. Iginawad ang mga pondo para sa mga community event at mga RFP.

image

Q3 2024

Wave 1

16 na proyekto ang pinondohang may tinatayang Kabuuang Grant na Iginawad na 289K WLD

Tingnan ang Mga Nakatanggap ng Grant
image

Q1 2024

Wave 0

Iginawad ang mga pondo para sa mga Community event at mga RFP. 28 proyekto ang pinondohan na may tinatayang Kabuuang Grant na Iginawad na 800K WLD

Tingnan ang Mga Nakatanggap ng Grant

Manatiling May Alam

Para manatiling may alam sa mga bagong kaganapan sa ecosystem, paki-follow ang foundation.world.org sa X at Discord.